Friday, November 19, 2010

Lakbay Kalikasan

Nobyembre 18, araw na kinasasabikan ng mga mag aaral ng elementarya at hayskul sa IMC. Bakit nga ba? Dahil ito kanilang fieldtrip o Outbound. Hindi lang ito basta fieldtrip na pupunta sa mall at kung saan saan pa. Ito ay paglalakbay kasama ang kalikasan. May programa ito na zero waste program na nakakatulong ng malaki sa ating kalikasan. Ang hayskul ay nakatakdang pumunta sa Majayjay, Laguna at ang elementarya naman ay sa Clark, Pampanga.

Maaga pa lamang ang mga estudyante ay maagang nagsidatingan sa eskwelahan. Marami ay puyat at ang iba ata ay hndi na natulog sa kasabikan sa byahe. Naunang sumakay ang 1st yr at 2nd yr sa kanilang bus. Sumunod ang 3rd yr at 4th yr. May pinagkaiba ang dalawang bus, ang bus 1 ay medyo malaki kaysa sa bus 2. Pero kung susuriin medyo mas susyalin ang dating ng bus 2. Malamig na aircon, Magagarang ilaw at may lalagyan ng mga inumin. Naunang umalis ang bus 2 dahil kumpleto na ang mga sakay nito khit na hindi sumama si Sharmaine. Samantalang nahuli naman ng konti ang bus 1 dahil may hinintay pa silang estudyanteng pasaway na nalate.

Maingay at makukulit ang facilitator yan ang tingin ko sa kanila. Sa pagnanais kong matulog hindi ko magawa dahil sila ay kwento ng kwento. Nasa bandang EDSA na kami ng ako'y makatulog dhil bnigyan kami ng pagkakataon na makapagpahinga. Ngunit ako'y nagising ulit matapos ang ilang minutong pagidlip dahil sa maingay na pelikulang kanilang pinapanuod at sa hirap matulog sa pwesto dahil masikip.

Nagstopover kami para umihi at kumain ng almusal. Meron kaming isang lugar na gustong puntahan na hindi maari ito ay ang ang starbucks. Hindi namin maisip kung bakit ayaw nila kami payagan bumili. Kami ay bumiyahe na ulit patungong Laguna. Ako ay nakatulog na.

Nagising ako ng may tumapik sa akin na sinasabing malapit na daw kami bumaba. Inihanda ko ang aking camera para kumuha ng mga larawan. Kailangan namin ng mga larawan para gamitin sa portfolio sa Social Studies. Pinuntahan namin ang Pila Church, Pila Museum, at Munisipyo ng Pila. Ginanap dati ang amazing race sa Pila, Laguna., Kung saan kami pumunta.

Matapos ang halos isang oras, kami ay bumiyahe na patungong Magdalena church kung saan kami kakain ng tanghalian at titignan ang lugar kung saan namalagi si Emilio Jacinto.


Makalipas ang isa't kalahating oras na pamamalagi. Kami na nagtungo na sa Majayjay, kung saan kami ay maliligo sa malamig at parang nagyeyelong Taytay Falls.

Ang bus na aming sinasakyan ay kailangang iwanan. Kami ay sumakay sa jeep at dumaan sa kalyeng pazigzag. Iniwanan namin ang aming kagamitan sa isang kwarto, kami ay sandaling nagbanat ng aming mga buto at kami ay nagtreking papunta sa Taytay Falls.

Hindi masyadong mahirap ang aming nilakad ngayon, hndi tulad nung isang taon sa Mt. Banahaw. Nang makarating sa Falls sila ay agad na nagsiligo. Ako hindi ko muna pinili ang maligo, pinili ko muna kumuha ng magagandang larawan sa isang paraiso na matatagpuan gitna ng kabundukan. Masyadong malamig ang tubig dito parang may yelo sa lamig. Hindi ka tatagal ng nakababad dito.

Kami ay pabalik na sa mga silid kung saan iniwan ang aming mga kagamitan. Konti lang ang pwedeng makapagbihis dahil sa liit ng banyo at sa dami ng estudyante. Isa ako sa mga nahuling nagbihis at naiwan ako ng aking mga kaklase. Kasama ko bumalik sa bus ang ibang level. Ok lang saakin kasi halos ayaw ko na iwan ang lugar na iyon.

Pauwi na kami. Wala nanaman stopover para sa mga nagugutom na estudyante. Hndi ako natulog at pati ang katabi kong nagnanais matulog ay hndi ko hinayaan :)

Aattend ba ako o Hndi?

Noong Oktubre 2, ay may itinakdang leadership training para sa lahat ng officers. Ako rin ay may tinakdang pagsasanay para sa darating na laban ng badminton. Saan ba dapat ako pumunta?? Sa leadership training o sa badminton training?? 

Kinagabihan napagdesisyonan kong pumunta sa leadership training at pumunta sa badminton training sa hapon..

Nagsimula ang lahat ng maayos. Ang mga estudyante ay hinati hati sa 4 na grupo : KKK, Magnificent, Friendly at Unbreakables. Ako ay nabibilang sa KKK. Nagkaroon ng mga palaro na huhubugin ang aming kakayahan sa pagiging isang lider. Nagtapos ang lahat sa larong ito na wala mi isa sa aming mga kagrupo ang nakaisip



Matapos ang mga laro, inanunsyo na kami ang unang Rotary Interact Club sa Malolos. Kinakailangan ng mabotohan para sa mga posisyon. Hindi ko lubos maisip ako ay kanilang binoto at nanalo. Ayoko man maging presidente wala na rin ako magagawa kasi papagalitan lang nila ako..

Ayan ako nung tinatanggihan na maging presidente.. 

Wednesday, November 3, 2010

Prudencia..





Ayan picture ng mga mababait na estudyante na pumasok noong unang araw ng ikalawang semestre. =)



Matapos ang aming sembreak, Eto kami balik eskwela. Ang mga araw ng puyatan ay natapos na. Kailangan pumasok ng maaga. Balik na normal lahat ng klase sa bawat subject. Ang mga assignments ay nariyan na rin.


Eto kami ngayon sa computer lab., Gumawa kami ng account dito sa blogger. Ako ngayon ay nagsusulat ng blog bilang aming takdang aralin.. Ang mga inilalathala ko dito ay kung ano lang ang pumasok sa aking isipan..


Sana pwde na ang ganito kahaba.. Hehehe..  Nagugutom na ako gusto ko na kumain... =9